* KRRRRGGGG *
(tunog ng tyan)
aw. ang sakit ng tyan ko. hindi naman ako gutom. hindi rin ako natatae. ano ba yan?! tsssk. Sunday nga pala ngayon. check-up ulit. haaaaays. nakakasawa naman magpacheck-up. every Sunday. walang pagbabago. after namin magpacheck-up laging umiiyak si Mama. ewan ko ba dun, tinatanong ko kung bakit. wala lang daw, miss na daw niya si Papa. abnoy din? "Anak, mag-ayos ka na dali." nasa kwarto ako ngayon. hindi nga ako makakilos e. "Ma.. ang sakit ng tyan ko.." "ANO?!" gulat na gulat si Mama. Aatakihin ata ako sa puso dahil sa gulat e. "Mama naman! nakakagulat kayo. basta! ang sakit ng tyan ko." lumapit naman si Mama. parang interesado. "try mo ngang bumango anak.." tinary ko. yung isang kamay ko hawak hawak yung tyan ko. pagbangon ko. "ARAYY!!" humiga ulit ako. hirap na hirap ako sa paghinga nun. feeling ko ang sakit ng mga joint parts ko. yung tuhod ko pati yung elbow ko. nanggingisay. ewan ko ba. ayoko ng ganto. nahihirap ako. "dahan dahan lang anak. san banda ba masakit?" "t-tuhod.. p-pati.. yung s-s-sikooo... k-kooo..." hirap na hirap akong magsalita nun. "juskupo!" tapos nagsign of the cross si Mama. "Ma.. May sakit po ba a-ako?" "Tintin! Kunin mo nga yung cellphone ko! Dali!" "Ma.. Mama!" tae, umiiyak na ako dito. hinawakan ako ni Mama sa magkabilang pisngi ko. "Tiff, anak. Wala kang sakit ha? wala." dumating na si Tintin dali yung cellphone ni Mama. tapos nagdial siya. sunod na alam ko..
* BLACK OUT *
"Misis, gusto ko lang ipaalam sa inyo.. Malala na ang kondisyon niya ngayon. Nakaranas na siya ng pagsakit ng ulo, pagdugo ng ilong, pagsakit ng tyan niya, nahihimatay pa siya, lumalabo ang paningin o dumidilim, nagkakaroon din siya ng joint pains. at ngayon, nilalagnat naman siya. kineck ko kung bakit siya nilalagnat dahil pala sa strep throat or scarlet fever kung tawagin. Ngayon kung magkakaroon ng rapid movements ang kanyang kamay which is called Sydenham's chorea. tapos pagnagkaroon siya ng rashes simula sa trunk or arms niya ang tawag don ay Erythema marginatum..."
"Ano dok?! Ano ba talaga sakit niya?!"
"May rheumatic fever siya.. Stage 3."
"S-stage.. 3?"
"Oho Misis. Magsta-stage 4 sa December."
"Ano?! Sa December na?! Anong buwan na ngayon?? September! Edi may tatlong buwan pa siya?!"
"Oho. Sa December na po."
"May gamot ba na pwede niyang inumin??"
"Meron. Aspirin."
Hindi. Hindi. Ako? Ang bata ko pa para magkasakit. Nasa ospital ako ngayon. Akala nila natutulog ako. Well sorry nalang, narinig ko ang lahat. LAHAT. Pano na ako? Mamamatay nako? Kelan? Bakit ako pa?! Bakit?!?
"Sige po dok. Maraming salamat sa lahat." lumabas na yung doktor. hindi ko mapigilang umiyak. *sniff* tae. natutulog ako di ba?! waaaa. "Anak.. alam kong gising ka.." humarap naman ako kay Mama. Umiiyak na din siya. "Mama! Bakit ako?! Bakit ako pa yung pinili niya?! Mama!! Gusto ko pang mabuhay!! Gusto ng normal na buhay tulad ng ibang tao! Bakit ba kasi ako..." niyakap naman ako ni Mama. "Anak.. Wag kang mag-aalala nandito lang ako. Babantayan kita. Hindi lang ikaw ang nakakaramdam neto. Madaming tao. Kaya hindi ka nag-iisa.." iyak kami ni Mama dun. Sa tuesday pa naman.. Sa tuesday..
September 14, 2008
Tuesday
* RIINNNGGG!! *
"Best! Anong plano mo mamaya?" birthday ngayon ni Ralph. Medyo matamlay ako. Hindi pa nila alam ang lahat. "Secret ko na yun." "Best.. Namumutla ka.. May sakit ka ba?" tss. tuwing naririnig ko 'may sakit ka ba' naiiyak ako. "Ako? Wala nu. Healthy kaya ako!" "Tss. Sige Best! goodluck mamaya sa inyo!!" tapos tumakbo na siya. uwian na kasi. "Labidabs! San tayo punta ngayon?" sinabi ko kasi sa kanya na aalis kaming dalawa. Pupunta kami sa isang lugar na tahimik. Ang favorite place ko nung bata ako. Sasagutin ko na dapat siya e. Yun na ang gift ko sa kanya. Pero sa tingin ko, hindi ko masasabi yun sa kanya. Kasi, aalis din naman ako dito sa Earth e. Kaya, wag nalang. "Basta. Tara na?" umalis na kami. nagjeep lang kami. nagpaalam naman ako kay Mama na pupunta ako dun. at ayun nga, tumigil na kami dun.
"HUWAW." ganto yung itsura ni Ralph nun -> :O nakanganga!! hahah!! tinawanan ko siya. "bakit ba?! ngayon lang ako nakapunta dito e!" "wala. ang kulit kasi ng mukha mo e!" ngayon lang ulit ako sumaya ng ganito. hinila ko siya papunta dun sa malaking puno. tapos may cliff dun malapit sa puno kaya ingat ingat lang. baka mahulog. haha! tumingin siya sa baba dun sa cliff. "don't look down, look up." tumingin siya sakin. tapos tinuro ko yung langit. tumingin naman siya. Sunset na kasi e. "happy birthday." tumingin naman siya sakin then niyakap niya ako ng mahigpit. tapos bumulong siya. "thank you po." hinampas ko siya. "Aray! ikaw ah! sadista kaa!!" "the show's not over! halika nga!" hinila ko siya dun sa mismong puno tapos umupo kami sa grass then sumandal dun sa puno. "Ang ganda naman dito. napaka-peaceful." "syempre naman. favorite place ko nga to e." tapos nagkwentuhan kami. nagkwento siya ng isang sad na story about his life.
"may isa akong pinsan. babae. bata siya, mga 6 or 7 ata yun. basta. favorite na pinsan ko yun, lagi kaming magkasama. parang kapatid ko na siya. siya naman ako daw ang daddy niya. syempre bata, nakisakay naman ako. sobrang close namin, pag may gathering kami ang magkasama kahit san ako or siya magpunta. kung kasing edad ko lang daw yun baka daw kami magkatuluyan. syempre joke joke lang nila yun. then dumating yung time na galing ako school. e hindi ko naman yun kasabay umuwi kasi mas maaga yung kanya. pag-uwi ko, sinalubong ako tapos sabi niya bibili lang daw siya ng lollipop. sabi ko sa kanya sige at papasok nako sa loob kasi pagod na nga ako tapos ang dami ko pang gagawin. papasok palang ako, sumigaw siya bigla.." nakikita ko yung lungkot sa mata ni Ralph. "tapos?" niyuko ni Ralph yung ulo niya. tapos umiiyak na siya. "wala na. *sniff* kinuha na siya ni Lord.. iniwan na niya ako.." "okay lang yan.. sorry sa nangyari aah?" humarap naman siya. tae ang cute niyang umiyak ang cute ng mata niya. haha! "kaya ikaw! wag mo kong iiwan aah?" aray. aray. aray. pano na yan? malapit na din ako kunin e. haaaays. siguro hindi pa time. oo nga. "opo! love na love kaya kita!" "love mo ko?" "oo. bakit? ayaw mo?" "GUSTO!!" hahaha. ang kulit neto. "yun naman pala e." "tayo na?" ang saya saya ng mukha niya nun. pinilit kong maging masaya. pero deep inside. nalulungkot ako. dahil napamahal na din siya sakin e. "tayo ka dyan! bleeh. :P" "ano ba yan?!" tawanan lang kami dun.
actually, mamimiss ko talaga siya kung mamamatay ako. pero Lord, ayokong mamamatay. ayokong iwan siya.
Dahil mahal na mahal na mahal ko na po siya.