Monday, March 29, 2010

Chapter 17

[Tiff's Side]


Pupunta kami ni Mama dun office sa school ko. Idodrop na kasi ako e. Tsaka sasabihin na din namin yung kondisyon ko ngayon. Haaaays. Ang hirap pero kailangan tanggapin e.

* RIIIINNNNGGG! *


Ayun, second bell na. Nasa office na din kami. Naka-upo ako. Si Mama nandun sa kanan ko nakatayo. "Bakit ganyan itsura mo? May sakit ka ba?" haaaays. parang gusto kong umiyak. hindi ko maisagot yung mga pinagtatanong niya. nahihiya ako. ayoko kasing pinag-aawaan ako. 



* TOK TOK! TOK TOK! *


hala sino kaya yan? nako, baka kaklase ko. tapos makita niya ako! anong sasabihin niya? waa. kaya ayokong pumasok dito e, madaming tanong! AMP! "Pasok." waaa! ayan na, pinapasok na siya. Ayokong humarap, ayoko. pero hindi ko makontrol. I have to face it. Tumayo naman ako at humarap sa kanya. 


No..

 Bakit siya pa?




"Tiff?" 


nag-aalangin tuloy ako. hindi ko alam sasabihin ko. pano na to? edi maririnig niya? edi malalaman niya na aalis na ako dito? WAA! Tumingin siya kay Mama. "Please be sited." umupo naman ako. ayokong humarap sa kanya. ayokong ipakita mukha ko sa kanya. ayoko! AYOKO. tumango nalang ako. "Okay, uhm.. Mr. Gonzales, mamaya ka nalang okay? Si Ms. Marfil muna kakausapin ko." humarap naman sakin yung guidance counselor. "Ms. Marfil, why are you absent for 2 weeks?" hindi ako sumagot agad. kasi ayokong malaman ni Ralph yung totoo. tsaka natatakot ako e. Kaya si Mama, lumapit dun at bumulong. "Aah.. So, Mr. Gonzales. Pwede ka bang lumabas muna? For a while lang naman. Para naman may privacy si Ms. Marfil." lumabas naman si Ralph. Whew, buti naman. kinakabahan talaga ako e. 

"Bakit? Ano ba ang nangyari?" hindi pa ako nasagot umiyak na ako. *sniff*sniff* AMP naman! "I'm sick." nagulat din siya sa sinabi ko. sabi ko kay kahapon na ako ang kakausap at hindi siya sabi ko lang samahan niya lang ako. pumayag naman si Mama. Kaya eto ako, ako na ang magsasalita. "I'm sick. I have Rheumatic Fever. *hik* I have a cure but the cure's was *hik* the one who kills me. *hik* By March.." hindi ko kayang sabihin. umiiyak na ako. ayoko na. "I'm sorry. I know, I know." niyakap ako nung guidance counselor. nakita ko nalang umiiyak na din siya.. "by the way Ma'am, magpapadrop po ako." "oh sige." "and Ma'am." "yes?" "wag niyo pong sabihin sa kanila. gusto ko po, ako po ang magsasabi sa kanila. pwede po ba?" "as you wish." then she smiled at me. lumabas na kami, medyo teary yung eyes ko. nakita ko s Ralph. nakaupo. tumingin siya sakin, hindi ko siya pinansin. dinaanan ko lang siya. ewan ko ba. hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. nagsastart na yung klase kaya walang tao sa hallway. si Ralph, pumasok na dun sa office. "Ma.. punta lang po ako sa locker ko po. kukunin ko po gamit ko.." pinayagan naman ako ni Mama. Pupunta si Mama sa registar office e, para irefund yung bayad. sayang din yun! pambayad yun sa ospital. 

nasa harapan ko yung locker ko.. walang kakupas kupas. e ako? kupas na kupas na! Haha! :)) syempre binuksan ko, pagbukas ko.. HAY NAKO! ang daming kalat! ang daming.. sulat? lahat nasa envelop, ung iba nasa postcard. tinignan ko kung para sakin talaga. 

To: Tiff. <3

sakin nga. wala naman nakalagay kung kanino galing?! AMP NAMAN! ilan to? 1.. 2.. 3.. blah blah blah. 12?! 12 letters?! ang sipag niya aah! sa bahay ko nalang babasahin. i mean, sa kwarto ko sa ospital pala. Haha! iipitin ko muna sa libro ko, tapos kinuha ko yung mga libro ko mga notebook. basta! lahat ng gamit ko dun sa locker. Kulang nalang pati yung locker ko e. Haha! :)) ayun, nagmamadali ako maglakad kasi baka may makakita sakin. buti naman wala, whew. pumunta ako sa kotse namin. at hinintay ko si Mama. Maya-maya lang dumating na si Mama at  dumiretso na kami sa bahay muna. sa bahay talaga namin. iniwan ko dun yung mga libro ko pati notebooks. pero hindi ko iniwan yung mga letters! babasahin ko muna yun no! ayun, uminom muna ako ng tubig. medyo nauuhaw na me e. XD tapos umalis na kami diretso na kami sa ospital. AGAiN. kabisado ko na nga yung buong ospital e. pagdating namin dun, kumain ako tapos uminom ng gamot na walang silbi. hays. bakit? simple lang, hindi naman siya nakakacure e. tinutulungan lang ako para hindi ako mahirapan. ganun. tapos umalis na si Mama, may trabaho pa siya e. naiwan tuloy ako mag-isa. binasa ko na yung mga sulat.

Halos paulit-ulit lang. tsk. kanino kaya to galing? pero may isang letter ako napabighani! Haha! isa siyang postcard. actually eto yung last na letter. eto oh:


amp! ang cute e. tapos nandun yung eiffel tower! tapos may bunny pa. kawaii~ Haha! :)) Love it! binasa ko yung message sa likod.

Oh Hi. Maybe this will be my last letter. And magpapakilala na ako. It's me, Ralph. Baduy ko no? Umaasa kasi ako na basahin mo tong mga letter ko pagpumasok ka na. Hindi ako tumigil pag hindi ka pa napasok. Pero, I realized. Dapat itigil ko na to. And I will tell you na personally. =)

One day, dadalhin kita sa Paris. I know, matagal mo ng gustong pumunta dun. Kaya, ako na ang magdadala sayo. Tiff, sana naman wag mong itago kung anong meron dyan. please sabihin mo. nag-aalala na ako e. hindi ko alam kung anong gagawin ko. hindi na nga ako nakakapagpractice kasi tutugtog kami bago magsembreak. lagi akong pumupunta dun sa bahay niyo, pero wala ka. nasan ka na ba? tssk. alam kong magkikita pa tayo.

So I will not say goodbye, if I were destined is to see you again.
Mahal na Mahal na Mahal kita. please don't leave me..
-JRG.14

hindi ko na talaga alam gagawin ko. bwisit na buhay to! gusto ko nang mamatay! pwede bang ifast forward? ayoko na, hindi ko na kaya! sana March na bukas! sana..

* BLACK OUT *