* RIIIINNNNGGG! *
Tsk. Ano ba yan?! Bell na agad. Hinihintay ko pa si Tiff pumasok. Kung papasok siya. E laging maaga yun e, mukhang hindi na siya darating. Tsk. 2 weeks na siya hindi pumapasok! Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Pumunta ako sa bahay nila isang beses, walang tao. Every uwian pumupunta ako sa kanila para tignan kung nandun siya, kasi wala e. Haaaaays. Namimiss ko na siya. :(
Pumasok na ako dun sa room ko. Nagpaalam na ako dun kela Dennis, sa kabilang section sila e. Kaasar nga e, hindi ko tuloy sila classmate. Tsk. Nagsimula na yung mga lessons. Nakakabagot. Nakakatamad. Inaantok pako. Ilang araw din ako hindi makatulog e. Lagi kasi siya nasa isip ko. Tsk. Kasi naman ikaw Tiff e! Ayun, nakatulala lang ako sa klase. Walang pumapasok nga sa isip ko e. Siguro mukhang haggard na itsura ko ngayon. Haaaays. Tiff.. Umuwi kana kasi. Nasan ka ba?! Hindi ka man lang nagpaalam sakin! Amp ka!! :[
"Mr. Gonzales!" nagulat ako kasi may tumawag sakin. Kaya napatayo ako. Tsk. "Yes Ma'am?" "Answer my question." patay. hindi pa naman ako nakikinig. argh! "what's the question?" "this illustrates Galileo's law of falling bodies as well as blackbody radiation." ano daw? waaaa. anong isasagot ko?! "I'm sorry Ma'am. I don't know the answer." lahat ng mga kaklase ko nagulat. "i'll meet you at the office after class." bwisit na teacher to. patay na patay na talaga ako! hays. teka nga. kanino ako patay? e wala naman sila dito! Tito tsaka Tita ko. Sila yung nagpapaaral sakin. Nagdivorced kasi sila Mama at Papa. Tapos ang walanghiyang ko Papa, buti nga sayo at namatay siya. Binubugbog kasi niya si Mama e. Eto naman si Mama, iniwan ako sa Tito at Tita ko kasi maghahanap daw siya ng trabaho para may ipakain sakin daw. Pero hindi na siya bumalik. Wala akong narinig mula sa kanya. Wala nga kaming communications dun e. Yung Tito at Tita ko, mayaman. YEBBA. HAHA! Ayun, kaya medyo sad ang story ko. Pero ayos lang. Naging masaya naman ako dahil kay Mean tsaka kay Tiff. Silang dalawa ang nagpabago sakin. NAKS! Haha.
* RIIIIINNNNNGGG! *
"Chong! San ka punta? Kain muna tayo!" hays. ako'y nagmamadali e. "Oo nga! Lapit na nga sembreak e!" "Oo nga no? San outing natin?" tsss. ako ba kinakausap nila? AMP! "Magswimming kaya tayo?" "Swimming? Ang lamig na kaya! Malapit na kasi Christmas e. Iba nalang!" haaaays. makaalis na nga! wala naman kwenta yung mga pinaguusapan nila. pero kung sasama o kasama si Tiff sa usapan. Aba, napakagandang usapan na yan! Haha! :)) "Teka! Chong, san ka ba pupunta??" "Sa office." "Aah. oh si--"
"AAAANOOOOOOOO?!?"
Naman! masakit okay? "Sige aalis nako! baka malagot ako lalo! Sige sige! Maya nalang!!" tumakbo ako papunta sa kabilang building. Lalo ng office e. First time ko lang mapapa-office. haaaays. ano sasabihin ko? nakoo! patay nako. terror pa naman yung guidance counselor dito. Tsk naman oh! Pagdating ko dun, kumatok muna ako.
* TOK TOK! TOK TOK! *
"Pasok." lumunok na ako. kinakabahan ako. waaa. T.T eto na, kaya to ko! Pag-open ko..
I saw a girl..
sitting in front of the guidance counselor..
She stand up..
Looked at me to me eyes..
Pale blue is her color..
Her lips were also pale pink..
"Tiff?"
Ang tamlay niya. Tumango siya, paglingon ko sa kanan nandun yung Mama niya. Ano ba nangyayari? "Please be sited." umupo naman ako sa kabilang upuan. bali, katabi ko siya. Yung Mama niya, nakatayo lang dun. "Okay, uhm.. Mr. Gonzales, mamaya ka nalang okay? Si Ms. Marfil muna kakausapin ko." tapos humarap siya kay Tiff. "Ms. Marfil, why are you absent for 2 weeks?" hindi siya sumagot agad. parang nag-aalanganin siya. Lumapit yung Mama niya dun sa guidance counselor tapos may binulong. "Aah.. So, Mr. Gonzales. Pwede ka bang lumabas muna? For a while lang naman. Para naman may privacy si Ms. Marfil." sumunod naman ako. ano bang problema niya?! naman e! tsssssk. umupo nalang ako sa bench habang naghihintay. Maya-maya lang.. lumabas na sila. Dumaan lang sila sa harapan ko. Nilagpasan lang ako ni Tiff. nakita ko sa mga mata niya, umiyak siya. hindi lang man niya ako binati or something. para naman akong hangin sa kanya. ano ba?! naguguluhan na ako aah! Bwisit naman! ARGH! Pumasok naman ako kasi ako naman. Pagtingin ko sa guidance counselor..
She's also crying..