Saturday, March 13, 2010

Chapter 2

Naka-ninoy formation ako tapos nakatingin sa labas. Haaaaays. Naalala ko tuloy nung bata ako, naglalaro ako dyan sa playground ng SPES (South Park Elementary School). 


"Hey!" himampas ako sa balikat kaya yung siko ko nadulas dun sa table ko. "Aray! Hindi niyo naman kailangan ihampas ako di ba?" tumingin ako kay Neal tsaka kay Maxy. Si Sabrina ayun, kachikahan ang mga so-called sisters niya. Tss. "Break na aba! Nag-eemote ka na naman dyan?" panira ng moment tong dalawang to! Grr. "Excuse me, tinitignan ko lang yung mga naglalaro sa labas." ayan, sinabi ko na yung totoo! "Wushu. If I know, gusto mo lang maglaro. Di baaa?" nakakaasar yung pagmumukha ni Neal! Sarap sapukin! Grr. "Ewan ko sa inyo! Tera na nga! Kain na tayo!" "Ayan ang gusto ko sayo best e! So, san tayo?" nagkatinginan kaming tatlo at ngumite. Haha. It means, isa lang ang nasa utak namin. :)) "Seven Eleven!" bongga di ba school namin? May franchise na 7 Eleven malapit sa tambayan namin. Agad-agad naman kami pumunta dun. Then what? SLURPEE! XD Ayun, laughtrip kami. Haha. Kwentuhan about nung bakasyon.


"Ralph!" sumigaw si Neal. Tumingin naman kami ni Maxy. Kasama ni Ralph yung dalawa nilang kabanda. Shocks, si DENNiS! Bakit kinakabahan ako?! Waaa. Ayun, nagkulitan yung mga magkakabanda. Except kay Ralph. I wonder bakit siya ganyan. Tumingin naman ako kay Maxy, ayun! Kilig na kilig. Haha. Madaming nadaan dito tapos kumakaway kay Ralph. "Hi Ralph!" "Ralph! Pwedeng makipag-friends?" puro ganyang checheburecheng naririnig ko sa mga dumadaan. May crush din sila kay Ralph? Ano kayang nagustuhan nila sa kanya. I mean, hindi siya katulad ni Dennis na cool, ganda ng boses. Hindi naman walang nagkakagusto kay Dennis, pero mas madami ata yung kay Ralph e.  


"Hi Tiff!" banat nila A.L. tsaka ni Dennis. "Chong! Batiin mo naman si Tiff ooh." Tss. Papansin tong si Neal e! "Bakit naman sakin? Dapat kay Maxy." tapos kininditan ko si Maxy. "Ah.. ha?!" Haha! Kinakabahan ang bruha! :)) Tumingin naman si Ralph kay Maxy, "Hi Maxy.. Right?" nagnod naman nang-oo si Maxy! Haha, kinikiegs yan. Tapos tumingin naman si Ralph sakin. "Hi.. Tiff..?" parang hindi siya sigurado nun. Pero tama naman! "Tiffany chong. Tiff for short. Di ba Tiff?" nagnod naman ako kay Dennis. Inalok naman ni Ralph yung kamay niya. Waa? "John Raphael Gonzales. Ralph for short." Tapos ngumite siya. Tae. Ang gwapo niya. Cute pa! Tapos nakipagshake-hands naman ako sa kanya. "Alicia Tiffany Marfil. Tiff nalang." ngumite naman ako pero hindi labas ngipin. Haha. Ang lambot ng kamay niya! Waaa. :)) Tapos ayun, naka-usap ko naman si Ralph. Mabait siya pero may pagkamayabang nga lang. Paano, ang sabi niya, "Iba na talaga pag-gwapo! Sikat na sikat!" "Ang inet naman! Kulang pa yung HANGiN dito e." Tumingin naman siya sakin ng masama. Ngumite naman ako sa kanya. Haha.


Ilang days na ang nagpast. Inaanounce na din na may acquitance party kami. Woo. This will be our last Acquitance Party together with them tsaka eto na din ang last sa buhay ng High School. Grabe, ang bilis talaga ng panahon! "Best, pagkatapos ng acquitance party dun ka samin matulog aah?" haaaays. Kailangan na talaga sulitin ang bawat moment nitong taon na to. "Kelan ba acquitance?" tanong ko sa kanya. "Sa Saturday na. 6 pm ata e." Hala, this week na pala. Hmm.. Ano kaya masuot? "Aah.. Baka hindi ako makatulog sa inyo. May check-up kasi kami ng kapatid ko. Sunday ng umaga." "Pwede ka naman matulog samin aah? Tapos alis ka na." tss. Talagang pinipilit akong isama nito e. "Hindi pwede. Kasama ko kapatid ko. Ano yun, magjejeep mag-isa? Baka mapadpad yung sa mga probinsiya! Patay ako nyan sa magulang ko." tapos ayun, tumigil na. Dumating naman sila Ralph at A.L. "Check-up? May sakit ka?" tanong ni A.L. "Wala. Lagi kami nagpapacheck-up para malaman kung heathly pa ba kami. Yung ganun." Every Sunday nasa hospital kami. Sinabi ko nga kay Mama na wag magpaabala pero gusto niya talaga makasiguro na talaga okay talaga kami. Tss. Napaka-concern talaga si Mama! Haha. "Nga pala. Nasan yung dalawang lovers? Tsaka si Dennis?" nagkatinginan naman yung dalawa. Tapos humarap sakin."Yung dalawa? Nasa room. Si Dennis?" tapos tumingin si A.L. kay Ralph. "Chong. Nasan nga ba si Dennis?" nagisip muna si Ralph. "Nakita ko kanina sa hallway e. Kasama si Ashley e. Nililigawan niya ata yun e. Bakit?" HUUWAAAATT?!? NiLiLiGAWAN?! WAAA. Wawa naman aketch ako! :( Teka nga! Bakit, sino ba ako kay Dennis?! Sayang naman! Tss. "Uyy Best! Bakit ka nakasimangot dyan?? Aber??" haaaala! "Ako? As in ako??" tinuturo ko pa sarili ko. "Oo, ikaw nga! Kulets. Selos ka no?" ANOOO?! "AKOO?? MAGSESELOS?? BAKiT?! KAiBiGAN KO LANG SiYA AAH!" nagulat naman si Best sa sinabi ko. "Best. Easy lang. Depensive ka masyado. Napaghahalataan na may gusto ka dun. Haha." tumawa ba naman ang bruha. Tss. Pati yung dalawa! Haaaays. "Sige tawa pa! Nakakatuwa e. Ha-Ha." pineke ko yung tawa ko. "Si Tiff pikon na! Haha!" pikon kung pikon! Tss. Nakakaasar! After ilang minutes. Tumigil na sila sa kakatawa. Thank God. Nagsawa siguro. "Bakit ka naman nagkaroon nanggusto dun? Kung MAS gwapo at MAS cute AKO sa kanya? Hindi lang yun! Matalino pa! San kapa?!" Haaaays. Eto na naman ang kayabangan niya. "Pake mo ba?! Tigil-tigilan mo nga ako Ralph! Baka masapok kita. Sige.." "Hay nako Ralph! Type kasi ni Best yung magaling kumanta. At isa na dun si Dennis. Kaya ayan. Kinikilig!" Wuu. Si Best talaga! Nagmamaganada kay Ralph! Haha.  :))


Dumating naman ang araw ng acquitance. Waaa! Wala pa akong isusuot! Gosh, matext nga si Best Maxy. Malapit naman bahay niya dito e. Si Neal kaya text ko? Hmf. Simula nung naging sila ni Sabrina hindi na ako kinakausap! Pwede ba yun? Baka kasama niya si Sabrina. Hindi kami peace nun. Naaartehan ako dun! Ang landi e! Laging pa PDA kay Neal?! Gosh! Hindi ba siya nahihiya sa sarili niya?! Eto naman si Neal.. Nabulag ata dun. Kung anong gayuma ginawa ng Sabrina na yun, masasabunutan ko talaga siya! Grr. Dumating naman si Maxy at naka-ayos na. Pero wala pang make-up. May dala nga siyang kikay kit e. Malandi yan e. Haha. Suot ni Best ay eto.. 




Ganda no? Mataray yan pagdating sa mga damit! Haha. Tapos ako. Halungkat ng halungkat sa drawer ko. "Hay nako Best! Eto nalang suotin mo!" Kumuha siya doon. Tapos binigay sakin. Tinulak ako papunta dun sa CR para magpalit. Tss. Sabagay hindi ko pa to nasusuot. Haha. Pagkalabas ko. Walah! Ayun, nakanganga ang bruha. "BESSTT! ANG GANDA NG DAMiT MO!!" "Ayy. Akala ko ako. Haha! Joke." tapos binigayan ako ng necklace at bracelet para suotin ko. Eto yung suot ko..



Nagmake-up na kaming dalawa. Si Mama yung maghahatid samin. Yung hair-do namin? Parehas nakalugay. Haha. Hindi namin feel magtali ng hair e. Pagdating namin sa school. Daming nagkalat na estudyante! Haha. Mga nagpapapicture. Syempre isa na kami ng Best ko. XD Madilim na yun. Kaya hindi ko masyado nakikita yung mga tao. Umatras ako kasi may dumadaan na esudyante. Baka matamaan ko sila. Pero nung pagatras ko.. May taong nasa likod ko. Humarap naman ako. "Tae ka Ralph! Ginulat mo ko e! Haha." Tae ka talaga! Ang gwapo tapos ang ganda ng porma niya. Shocks! Na-iinlove ako dito e. Haha! Ayoko, baka maging ahas ako sa Best Maxy ko. Haha! Mabait ata to. LOL. :)) Biglang bumulong si Ralph sa sarili niya, 






"Tae. Ang ganda niya! Syete naman!"