Saturday, March 13, 2010

Chapter 3

[Ralph's Side]

"H-ha? May sinasabi ka?" tss. Bingi ka ba? Sabi ko ang ganda mo! Na-iinlove ako dito kay Tiff e. Eto kasi yung mga type ko e. Yung medyo maikli yung buhok tapos ang ganda pumorma! Oh di ba? Bagay na bagay kami! Haha. Kaso, kay Dennis siya may gusto. Tss. Sayang naman. Pero gagawin ko ang lahat! Para mapaakin siya. Wahahaha. "Wala. Sabi ko ang tagal nila Dennis. Tutugtog nga kami e. Manuod ka aah!" tapos ngumite ako sa kanya. Ang aking killer smile. Haha. Pumasok naman kami sa loob. Sa South Park University Ballroom, may pagka-hotel yung itsura niya sa loob.

"Chong! Gwapo natin aah!" sus. "Tagal na. Haha. San sila?" grabe ang inet dito. Daming tao e. Tss. "Sila A.L tsaka si Neal? Hindi ko nga nakita e. Kanina ko pa sila hinahanap!" Haha. Mukha nga, pinapawisan ka na nga e. :)) "Kabadtrip naman yung dalawang yun! Oh, bakit hindi mo kasama si Ashley?" kasi wala sa tabi niya si Ashley e. "Ewan ko dun! Nagalit paano, nagpapasama sa mall. Bibili ng damit para ngayon. E may practice tayo nun. Ayun, mas inuuna ko daw yung walang kakwentang bagay kesa daw sa kanya! Arte niya e." haaaaays. Sadyang magulo talaga ang mga babae. Haha. "Kayo na ba?" "Yep. Nung Wednesday. Bale..  4 days palang kami."


Maya-maya lang. Nagsimula na party. Wooh. Prayer, speech. Mga ganyan. Tapos sayawan na! Haha. Nakita na din namin sila A.L. Ayun pala kumain. Hindi man lang naghintay samin e. Haha. Tapos tutugtog kami. "May we call on the Dead Clef band! Let's give them around of applause!" palakpakan naman sila. Haha. Mga uto-uto e. XD "Good Evening everyone!  Kami ang Dead Clef ng South Park University!" palakpakan ulit. Haha. Then nagpakilala ulit kami. Grabe, daming nagtitili. Isa na kaya dun si Tiff? Sana. Haha. Sabagay natili siya para kay Dennis. Tss. Asar. Nagsimula na kami..


Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit
Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang
Ang aking iniintindi

Nakatanim pa sa'king ala-ala
Pangako mong mananatili ka
Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito
Na ngayo'y bitin na bitin

Chorus:

'Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Nasa aking guniguni malamig mong tinig
Kasabay ng hanging na dumarampi
Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid
Tahimik na nagmamasid

*Repeat Chorus

Nahulog na'ng mga ulap, buwan at araw, mga bituwin
Ang ginugol na panaho'y na saan? (panaho'y na saan)
'Di ba't sayang naman? (Di ba't sayang naman)
Giliw yeah yeah yeah yeah

Ngunit di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?


Nagtilian lahat. Mga adik e. Haha. Iba na talaga ang sikat! Woo. :)) Tapos slow music na. Sayawan na e. Bumaba agad ako tapos hinanap ko si Tiff. Syete naman! Kasayaw agad ni Dennis. Tss. Kabadtrip e.


[Tiff's Side]


Waa. Totoo ba to?! Kasayaw ko si DENNiS FALCON?! Oh My Gosh! I can't believe it! Haha. Grabe, namumula ako! Woo. After that umupo ako. Tapos lumamon ako. Haha. With Maxy. Si Neal? Tss. Ayun! Kasayaw si Sabrina kanina pa! Grr. Siguro mga tatlong kanta na sila nasayaw! Tss. Nakakaasar! Tingin mo pa yung suot ni Sabrina! Napaka-seductive. Grr. x( Ako'y nabwibwisit sa kanya! Haaaaays. "Best, wag mo nang patulan. Baka umiyak. Tsaka baka magalit si Neal sayo niyan." oo nga. Wag na nga. Haha. Sumbongera pa naman din yan. Nagtetext ako tapos may tao sa harapan ko.. Inalok niya yung kamay niya sakin. "Pwede ba kitang isayaw?" Shocks! Parang JS lang e. Haha. Ganto kasi pagJS e. Tumango naman ako tapos ayun sumayaw kami ni Ralph. Ang galing nga niya magdala e.


[Ralph's Side]


Tae. Totoo ba to?! Kasayaw ko si ALiCiA TiFFANY MARFiL?! Ang ganda! Syete naman! Ako'y nahuhulog sayo e. LOL.Yung tugtog is Before I let you go. Naman! Haha. Tumingin ako kay Tiff medyo naiilang siya sakin. Hindi siya makatingin sakin ng maayos e.


[Tiff's Side]


Haaaays. Ang dilim na. Medyo napikit na mata ko. Ang dilim na din ng paningin ko. Sakit pa ng ulo ko. Tss. Ano ba yan sabay sabay. Ang inet kasi masyadong crowded dito. "Hey.. Okay ka lang?" ata. Haha! Nakuha ko pang tumawa e. LOL. "H-ha? Aah. Oo, okay lang ako. Medyo pagod nako e.." grabe ang sakit talaga ng ulo ko. Malabo na din paningin ko. Tss. Magsalamin na kaya ako? Kaso, hindi bagay sakin e. "Tara, gusto mo iuwi na kita?" "H-ha? Wag. Okay lang talaga ako. Tsaka hindi pa tapos yung party e." kaya ko pa naman e. Pero bibigay na din ata ako mamaya e. "Hindi. Okay lang sakin. Tara hatid na kita." nagpaalam naman kami sa mga teachers namin pati sa mga katropa namin. "Chong, ingatan mo si Tiff aah! Bestfriend namin yan ni Maxy." tumango naman si Ralph. Si Dennis no comment. Si A.L. nakikipagsayawan sa mga babae. "Sige, una na kami." umalis na kami dun. "Teka nga.. San ka ba nakatira?" tumingin naman ako sa kanya. "Sa East Woods Village. Ikaw?" "Aah.. Malapit lang pala samin. Sa North ako e." oo nga malapit lang. Mga 3 blocks away. Nag-jeep naman kami pauwi. Wala na kasing tricycle dun sa sakayan e. Puro jeep. 


Pagdating namin dun sa Village, pinara na namin at maglalakad kami papasok. Medyo dulo pa naman yung bahay namin. Tss. Nilalamig tuloy ako e. Try mong maglakad ng 10 ng gabi sa labas tapos ang suot mo shorts tapos sleeveless. Sino ang hindi giginawin dun? Mga dalawang kanto nalang, bahay na namin. May inabot naman si Ralph sakin. "Suotin mo." napatingin naman ako kung ano yun. Jacket pala. Tss. Sinuot ko naman. Ginaw na ginaw na talaga ako e! Tahimik lang kaming naglalakad. Nakakabingi nga e. After several years. Haha. Nakarating din sa bahay. "Pasok ka muna." "Hindi na. Uwi na din ako e. Babye! Good Night." tapos nagwave siya sakin. Hindi pako napasok ng bahay, tinawag ko ulit siya. "Bakit?"








"Thank you po. Ingat sa pag-uwi!"