Si Best Maxy tsaka si A.L.? Haaaaays! UBER SWEET. Parang sila na nga e! Pero hindi pa naman daw! Malapit na! Waaa! Nakwento nga sakin ni Best na pumunta daw si A.L. sa kanila at tinanong yung parents niya kung pwede ligawan si Best! Waaa! Kinikilig tiligah ako nung kinukwento niya to sakin. Si Best Neal naman, ayun. Laging WALA! Nakakaasar nga e. Eto pa ang mas malala!
HiNDi NAMAMANSiN Si RALPH! :(
Talagang sad ako! Lagi siya snub sakin. Waaa! :(( Ano ginawa ko?? T.T Huhu. Wala tuloy ako kasama! Si Ralph na nga lang pag-asa ko e. Nawala pa! Tss.
"Uyy! May promblema baa??" snub pa din ako! Ako'y hindi natutuwa aah! tss. "Ralph naman! Para naman akong hangin dito ooh! Isang malaking HANGiN! May kausap ba ako?" "Wala." ang tipid niyang magsalita! Grr. "Ayos ka lang ba?" "Siguro." arrgghh! Hindi na siya nakakatuwa! nakakarindi na aah! "Hay nako! Bahala ka na nga dyan!" tapos hinawakan niya ako sa wrist ko. "Sino siya?" tae. seryoso mukha ni Ralph! tsaka sino daw? sinong siya? "H-ha?" "Sabi ko sino siya?!" lalong humigpit yung hawak sakin ni Ralph. "Aray! Ralph masakit! Wag mo naman higpitan!" waa. ang higpit talaga yung hawak niya! tae naman! "Sino yung lalaking kasama mo dati?! Yung nakaakbay sayo?! HA?!" si.. si.. si Lawrence?! Tss. Wag mong sabihin.. nagseselos siya?! Ayiee! Haha. "Bakit? Paki mo ba? Nagseselos ka?"
"OO! NAGSESELOS AKO! ALAM MO NAMAN NA MAHAL NA MAHAL KiTA! SiNABi SAYO NUN Ni MAXY! BAKiT BA AYAW MONG PANiWALAAN?! HA?!"
grabe. kakatakot. waaa. totoo nga. mahal niya ko. akala ko loko-lokohan lang ni Best sa ym. totoo nga! Hala.
May hinulog siyang pictures. Pictures namin ni Lawrence na naka-akbay siya sakin. Tss. Friendly akbay lang yun! Binibigyan niya kasi ng malisiya! "Sino siya? Nabwibwisit ako sa kanya!" haaaaays. "Siya lang naman si Lawrence. Ex ko. Pero kuya na lang turing ko sa kanya ngayon. Masama?" tumigil siya nun. "S-sorry." "Sorry mo mukha mo! Kala mo kung sino ka kung magsalita! Hindi mo nga ako nililigawan tapos ganyan ka na! Over ka--" sabay yumakap siya sakin. Tae naman! Ang higpit niya yumakap. waaa. hindi ako makahinga! "I'm sorry. Ewan ko ba. Nagseselos agad ako pagmay iba kang kasama e. Sorry ulit. May tanong ako sayo.." tapos humarap na siya sakin.
"Can I court the one and only Alicia Tiffany Marfil in my life?"
tae. anong isasagot ko?!
"Maybe. Haha." tapos niyakap ko siya! Ewan ko ba. Parang matagal ko na tong marinig sa kanya e. Ang saya saya ko grabe! woo. :))
+++
Ayun, regular ang pagcheck-up. I-continue ko daw yung gamot. Lagi nga ako nakakaramdam ng sakit ng ulo, lumalabo yung mata ko, tapos nangdidilim yung paningin ko. Baka sa puyat lang or sa pagod. Mga ganun. Hindi ko alam kung normal pa ba ako. Dumating naman ang month of August! Continue pa din ang pagligaw ni Ralph sakin. Si Best Maxy tsaka si A.L.? SiLA NA!! WOO. 12 yung monthsary nila! Grabe! Ang sweet nila! Haha! :))
August 8, 2008
Nag-isip kaming magkakatropa na gumawa ng isang birthday bash para kay Dennis. Bukas na kasi birthday niya! Ang bilis nu? Haha. Ako, si Ralph, Neal, Maxy, A.L, tsaka si Sabrina. Kinausap namin si Ashley na libangin si Dennis. Kaya ayun naggagala yung dalawang yun. Kami nasa tambayan at nag-iisip. Lahat ng inisip namin, di approve kay Sabrina. "Sabrina, lahat ng plano okay samin sayo lang ang hindi e!" "Ang panget naman kasi ng mga iniisip niyo e! Ang kokorny. Mag-isip naman kayo yung mageenjoy si Dennis!" "Like what?" "Boys night out! Mga ganun! tapos kaming mga girls yung magiging company niyo. di ba?" eww! "Mag-isa ka." ayun barado. hahaha. :)) tapos nagwalk-out. Hahabulin sana ni Neal pero may sinabi siya sakin, "Tiff! Ano bang problema mo?!" aah! ako pa yung may problema! Tss. "Wala naman akong problema e! Yang gf mo meron! Bwisit!" "Bahala ka na nga sa buhay mo. tss." "Sige! Magpagkabulag ka dyan sa girlfriend mo! Argh!" tapos hinabol na niya. "Magsama kayong dalawa! Bwisit! Tae kayong dalawa! Wag kayong babalik dito! Mga tae sa buhay ko! Grr.." napupuno na talaga ako sa kanila! "Best. Pabayaan mo na sila.. So ayun na plano natin?" "Oo. Yun na lang. Maa-appreciate pa ni Dennis yun."
August 9, 2008
"HAPPY BiRTHDAY DENNiS!!" ayun. Nasa bahay kami ni Dennis ngayon. Si Ashley hindi nakapunta kasi may practice siya ng volleyball. Medyo magkasundo kami. Haha. Yung dalawang tae hindi ko sila pinapansin. Haha. Ako yung may hawak ng drinks at ibibigay ko na sa kanila. Miryenda time yung celebration niya. Galing ako sa kusina kinuha ko nga yung drinks. 6 na baso nakalagay sa tray. Dahan-dahan nga ako mglakad. Baka mahulog tapos matapon pa sa damit ko. Ang laking eksena ko nun. Haha! "Need help?" tumingin ako kung sino nagsalita. "Nope. Kaya ko na to." then nagsmile ako sa kanya. Umalis na siya dun sa pwesto niya kasi may gagawin pa siya mamaya para kay Dennis. Haaaaays. Eto na naman ulit. Sumasakit ulo ko. Nahihilo again, nagpipikit ako kasi dumidilin yung paningin ko. Tsssk. Hindi ko ata dala yung gamot ko. Naman! Yung lakad ko hindi na maayos. Kaliwa kanan ako. Nagswiswing nga e. The next thing I know..
*BLACK OUT*
"Oh My God! Tiff! Gising!"
"Okay ka lang?! Uyy!!"
"Tiff! Naririnig mo ba kami??"
"Anong nangyari dito?!?"
"Hindi nga namin alam e!"
"Syete naman! Tiff, wag mo kong iwan! Hinihintay ko pa sagot mo e! Tiff!"