TAE.
Bakit ba napapadalas yung pagsabi ko ng 'tae?' Tss. Mabait ako e. Hindi ako nagmumura! Anghel ako e. NOT. LOL! :)) Back to the story.. Ayun nga! Pagdilat ko.. Humiga ulit ako tapos kinumutan ko yung sarili ko tapos tinakpan ko yung mukha ko ng kumot. Kasi naman! Nakakahiya! Nandun siya.. Pinapanuod ako! Naiilang tuloy ako! Waaa!
"Ahaha! Ang cute mong matulog!" hindi pa din ako natingin sa kanya. Naka-kumot nga ako di ba? "Wag ka na mahiya. Wag ka na din magtago. Bumangon ka na nga dyan!" ayoko nga! bleeh. "Ee! Alis ka muna dyan.." para kaming bata dito e! Haha. Pero nakakatuwa. Umalis siya dun sa inuupuan niya then narinig ko nalang umalis siya sa kwarto. Bumangon naman ako. Ni-rub ko yung mata ko kasi ang sakit e. Nagtanggal din ako ng morning glory. Haha. Then tatayo dapat ako dun sa kama para umalis. Pero biglang sumabat si Ralph. Tss. "Wag kang aalis! Dyan ka lang sa kama!" ako naman. Napatingin ako sa kanya. Kasi yung ulo lang niya nakalabas sa pintuan e tapos yung katawan niya nakatago. May kinuha siya. Edi nakaupo pa din ako sa kama. May dala dala siya pagkain. HUWAW. :)) "Eto ooh. Kain ka muna." tapos may note dun sa tray. Binasa ko, "Sa susunod mag-ingat ka ha! Pinag-alala mo ko e. Haha. iloveyou po! mwua. =)" HUWAW. Ang sweet naman niya. Tss. Kinikilegs ako dito! Haha. Tumingin naman ako sa kanya. "What?" "Wala. Wala ka bang sasabihin?" "Wala e. Meron ba dapat?" haha. lolokohin ko muna to. XD "Oo! Nabasa mo yan??" tinuro niya yung note. "Oo. Hindi naman ako bulag e." "Ano sasabihin mo sakin?" "Wala. Bakit?? May tanong ba dyan?" ahaha! pikon na yan.. "Argh! Basta sabihin mo mahal mo ko!"
"Mahal mo ko." HAHAHA! Tss. Sige na nga, pagbigyan na po natin si Ralph. Seryoso nga yung mukha niya e! "Sige na nga! iloveyoutoo." "Walang feelings?" "Wala e. Bibili ako mamaya. Sama ka?" "San?" "Wala." Haha! Ganto lang kami. Habang nakain ako. Binoblow pa nga niya e. Lugaw nga pala kinakain ko. Haha. Sarap nga e. "Bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo ba naaalala??" "Ang alin?" ang weird aah! Ang alam ko nasa bahay ako ni Dennis tapos dala dala ko yung mga drinks. Hindi ko na alam. "Tss. Tara na baba na tayo! Nandun sila Maxy!" nung narinig ko yun. "ANOOO?! Teka.. Kaninong bahay ba to?!" "Kay Dennis." napanganga nalang ako. Grabe! Natulog ako sa bahay ng iba! Waaa! "Wag kang mag-alala. Natulog din kami dito.." whew. that's a relief. Haha. Bumaba naman kami tapos nakita ko sila nanunuod ng tv. "Good Mor--" "BEEEEESSSSTTT!!" yan ang sigaww. XD "OKAY KA LANG?! ANO?! KAMUSTA NA PAKiRAMDAM MO?! GUSTO MO DALHiN KiTA SA OSPiTAL?! ANO?! NAGUGU--" pinutol ko agad siya. over e. "Best! Easy ka lang! Okay lang ako! Okay na okay! Buhay pa naman ako. Hindi ako nagugutom. Alright? And wag mo kong dadalhin sa doktor! nagsasawa na ako e! Lagi nalang ako nandun! Tss." "Sensya naman po best! Worried po ako e. Nyii." Tapos ngumite siya. Lahat sila nagworried. "Teka nga! Ano ba nangyari?! At ako'y naguguluhan!" tumayo naman si A.L. "Ganto po kasi yan.." blah blah blah. XD Ayun kinuwento niya lahat. Haaaaaays. Sakit ng ulo lang po to. Tss. Dapat siguro lagi akong uminom ng biogesic para safe! Haha! Ingat! :))
[Ralph's Side]
Kumain naman kami ng lunch sa para ni Dennis. Katabi ko syempre! Wala nang iba kundi si.. "Tiff! Nadugo ilong mo ooh!" ANOO DAW?! Yung ilong niya?? Tumingin naman ako, nadugo nga! "H-ha?" tapos pinunasan niya. Tumayo naman ako tapos kumuha ako ng tissue sa kusina. "Akin na nga!" tapos pinunasan ko yung ilong niya. Pinachin-up ko siya tapos hawak hawak niya ilong niya. Tss. Ano ba yan?? "Okay ka lang ba??" "Oo. Sa inet lang siguro.." talagang nagwoworried na ako sa kanya. Feeling ko may mali e. Parang may tinatago siya. At mamalaman ko din yun.
+++
[Tiff's Side]
Haha! Ayun napapilit ko siya. Papakilala ko siya kay Mama tapos magtathank you ako sa kanya. "Mama! Dito na po ako! Tintin! Nasan ka?" tinanggal ko na yung sapatos ko. Si Ralph wala atang balak pumasok. Tinilt ko ulo ko. Tapos tinaas ko kilay ko. "Sabi ko nga, papasok ako." Pinaupo ko siya dun sa sala namin. kumuha ako ng maiinom. "Tintin! Halika nga dito! May papakilala ako sayo! Kalaro natin!!" tumingin si Ralph sakin na kalaro-natin-na look. :)) Parang sinabi niya, anong pinagsasabi mo?! "ATiii!! Tino ta?" "Ano daw?" Haha! "Tintin. Siya si Kuya Ralph." "Kohyaaah??" si Ralph nao-OP e! HAHA! Hindi makarelate! woo. "Ku-ya Ralph." "eeeee!! Raaal?" "Ganto nalang! Kuya.. Kuya JR." tumingin naman sakin ng masama si Ralph. Bumulong naman ako sa kanya. "Pabayaan mo na! Bata naman e." "Fine. Pero ang baduy ee." Baduy ka dyan?! Astig nga e. XD "Kohyah Jiy-Har?" "yes?" lumuhod naman si Ralph para kalevel niya si Tintin. "An huwapo mu pu." "tsk. tagal na! hahaha." hangin! woo. grabe. :)) "Tintin! Kelan ka ba nabulag?? Hmm.." hahahah! "nako Tintin! Wag kang maniwala sa ate tiff mo! kaaway natin yan! wag natin papansinin yan! bad yan!" "uki po! mwua." sabay kiss sa cheeks ni Ralph. "buti pa si Tintin love ako! yung isa dyan! hmf." "panget mo kasi! bleeh." tapos umakyat ako sa taas. kukunin ko yung cp ko. pagkakuha ko. narinig ko si Mama naiyak. Kausap ata si Papa sa phone e. "Pa.. Anong gagawin natin? kulang pa yung pera na pinapadala mo para sa check-up niya.. magtrabaho na kaya ako? pa! para lang sa mga anak natin.. oh sige. maghahanap ako. thank you pa.. i love you too. mag-iingat ka ha? i miss you po.." iyak ng iyak si Mama nun. Gusto ko siyang lapitan nun pero natatakot ako for some reason. Sinabi ko na kay Mama na wag na kaming ipacheck-up dahil okay lang kami. Nagsimula magganyan si Mama nung namatay si Kuya. Kaya ayan, napakaconcern samin. Tss.
Pababa sana ako kaso may narinig ako sa pag-uusap nila Ralph sa baba! NAKO! "Yang si ate Tiff mo. Mabait siya. Caring tapos maganda pa! Sexy tapos simple lang naman siya. Kaya nga nagustuhan ko si Ate Tiff e." "Hal nu pu ta?"
"Oo. Mahal na mahal. Kahit buhay ko kapalit." WAAAA!