Thursday, April 1, 2010

Chapter 20a

[Tiff's Side]


"Mahal.. na.. mahal--" AMP! naputol yung madramang declamation ko! why? Ralph hugged me so tight. aww. :"> "Happy sweet sixteen labidabs." oo nga no, sweet sixteen! SWEET! :)) amp, kami ba? hindi ko alam. Haha! hindi ko pa naman kasi sinasabi ang sagot e. tsaka hindi na kailangan, mawawala naman ako dito sa Earth e. Yay~ happy birthday to myself. naramdaman ko nalang na may yumakap pa. pagtingin ko..

"BESSTTTTT!!!!" grabe! namiss ko kaya to! "ikaw best ha! bwisit ka! sira tuloy make up koo! AMP!" "oo nga! ang panget na tuloy namin!!" ahahaha! buti nga! bleeh. :P "amp! ayos lang yan. magretouch nalang tayo maya. ako din kaya?!" tapos naggroup hug kami. this is what i'm going to do. eto kasi yung napag-usapan namin nung guidance counselor na kakanta ako at sasabihin ko na. pero, unexpected na ganito yung magiging reaksyon nila. ang saya talaga netong gabing to! sa tingin ko, eto na ang last na masayang gabi ko kasama sila.

+++

"Ralph.." eto, nandito ako sa ospital AGAiN. haaaays. ang hina ko na. feeling ko tuwing natutulog ako hindi na ako magigising. March na pala ngayon, so hindi ko alam kung anong araw ako mamamatay. basta March. "bakit? gutom ka na ba?" actually, hindi e. matipid na pala ako magsalita. hindi na din ako nakakatayo. "hindi.." "e ano?" hindi na ako nakasagot nun. nakatulog na kasi ako e. wala lang. gusto ko lang siyang kausapin..

[Ralph's Side]

lagi na akong nandito sa ospital. ilang days nalang siya e. mawawala na siya. nabibilang nalang yung mga araw. haaaaays. kaya todo bantay ako. 7 pm na. tulog na agad siya. dadating daw sila Dennis pero mamaya pa daw. kakain lang daw sila. galing kasi sila practice e. practice ng graduation. e ako, nagpaexcuse ako. sabi ko nalang na babawi ako. 8:30 pm na. wala pa sila. baka mga naglakad mga yun. mga kuripot mga yun e. Haha! :)) 

"AYOOOOOKOOOOOOO!" nagulat ako biglang sumigaw si Tiff. "bakit?! nanaginip ka?!" hindi siya makahinga ng maayos nun. tae, kinakabahan ako! "ayoko.. ayoko.." "anong ayoko? bakit ba?" "ki..kinu..kuhaa.. na n-nila akoo.. a-ayokoo.." umiiyak siya. kinukuha na siya? tae kang panaginip ka ahh! amp ka! wag ngayon! "ano nangyari?!" sa wakas dumating na din sila. "nanaginip siya e." "best okay ka lang?" si Tiff hindi siya makasagot. ang lalim niyang huminga. "Neal, paki abot yung tubig dyan.." kinuha niya yung tubig tapos pinainom ko kay Tiff. after ilang seconds, "okay nako.." "sure?" tapos nagnod siya. humiga na siya ulit. "musta.. practice?" "ayos lang. medyo nakakapagod. daming ngang ritwal e! Haha!" "baliw! ikaw? musta na?" tanong ni Dennis. "ha? eto, walang pinagbago. ganun.. padin.." walang pinagbago e? tignan mo nga itsura mo! ang hina mo na. haaaays. bakit siya pa kasi? tsk. ayun usap-usap lang. tapos tinuruan ako kung pano yung sa graduation. syempre! para hindi ako mapahiya. Haha! :)) umalis din sila. gabi na e, dumating naman Mama ni Tiff kaya ako'y aalis na. "babye! ingat ka palagi. iloveyou po. muaa. goodnight!" kiniss ko siya sa forehead tapos hinug ko na din siya. lagi ko tong ginagawa. haaays. pag wala na siya, wala na din ako ikikiss at ihuhug ng mahigpit. AMP! :))


[Tiff's Side]



haaaaay. hindi na ako nakakakain. amp. wala na akong gana e. ang payat ko na! mukha na akong tingting. AMP! umuwi na pala si Ralph. makatulog na lang ulit. wala akong ginawa kundi matulog..


Kinabukasan..


"Ma.. mama.." "ate!!" tumalon yung kapatid ko dun sa kama ko. "Tintin.. s-si.. mama?" "wet lang." arte neto magsalita. wet lang daw. amp. "mama! si ate tiff! gising na!!" bumangon naman si Mama dun sa sofa. "oh nak, nagugutom ka ba?" nagnod ako ng hindi. "ano?" "p-pwede ba akong lumabas..?" sana payagan ako ni Mama. "oh sige. san ba?" tapos sinabi ko yung favorite place ko. yung park, kung san kami nagcelebrate ni Ralph nung birthday niya, dun. haha. "Mama, kaya ko na po.." hindi ako pumayag na may kasamang nurse. kaya ayun, nagpahatid nalang ako. sa wakas, nandun nako. "haaaaay. mamimiss ko tong lugar na to. siguro huling beses ko dito makakapunta." naramdaman ko nalang  may yumakap sakin bigla. "anong ginagawa mo dito?" "tambay lang. lagi kaya ako nandito." "aah. di ba may prac--" hindi ako natapos sa pagsalita bigla niyang nag-sheeesh. tapos tinakpan niya bibig ko. AMP! "sheesh. let's be quite for just a moment.." pumayag naman ako. ewan ko ba dun kung bakit. tumingin ako sa kanya, nakita ko siyang nagdadasal. HUWAW. religious? nagdasal din ako. after namin magdasal, "para sayo." may inabot siya sakin. nasa isang box siya na red. OMG. wag mong sabihin.. SiNGSiNG?! WAA! papakasalan niya ba ako?! Nahihibang ba siya?! "hoy. kung ang iniisip mo singsing. feeling ka ah!" WHEW. akala ko e. teka nga.. nagbabasa ba siya ng isip?! AMP ah! >.< "hindi ko kaya iniisip yun! iniisip ko kung ano laman neto! amp." "oh siya, buksan mo na." ginawa ko naman yung sinabi niya.OMG! OMG talaga! it's a couple necklace! ang cuutee! PiNDOT ME.


Kinuha niya yung star. Tapos sinuot niya sakin. Tae, namumula ata ako. WAA! "Yan! Mas maganda pala siya pagnaka-suot na sayo e." natats naman ako dun. :"> Kinuha ko naman yung isa which is a heart. "San mo nabili to? Tsaka magkano?" "Hindi na mahalaga yun. Pag ako magbibigay ng isang bagay, hindi ko sinasabi kung san ko nakuha yun kahit yung price nun." amp. dayaaa~ "mahal ba to?" tumingin siya sakin. "kakasabi ko lang!" "eto naman! mamamatay naman yung tao e." "wag ka nga magsalita ng ganyan! tinatakot mo ko e." huh? natatakot siya? tahimik lang kaming parehas. walang nagsasalita. napaka peaceful nga e. at eto ang gusto ko. malapit nakong kunin, hindi ko man lang napuntahan ang Paris. pero, binigay naman niya ang isang picture ng Eiffel Tower. Parang nakapunta na din ako sa picture nga lang. Tsss. "Tara, hahatid na kita." pumayag naman ako kasi sabi ko kay Mama saglit lang ako. patayin pako nun. XD Nakarating din kami dun. Humiga ako dun sa kama ko. "Umuwi ka na.." "hindi, babantayan kita hanggang sa pagtulog mo." The next thing I know.. nakatulog na nga ako.

+++

[Ralph's Side]



* TEET! TEET! TEET! TEET! *
(cardiac monitor yan)


any second, minute, anytime! pwedeng tumigil ang pulso niya. haaaaaaaays. natatakot nga ako pagtumutunog yan e. aakyat tapos bababa. kinakabahan ako. pano kung tumigil, anong gagawin ko? tsk. anong oras na ba? tumingin ako sa orasan. 5 pm. malapit na umuwi si Tita. Haha, Tita na tawag ko sa Mama ni Tiff. Ilang days na din tulog si Tiff. Hindi na siya gumigising. kakatakot nga e. Sa 23 na graduation namin! Anong date na ba ngayon? Hmm. 

MARCH 22?!?!?!


Napadilat ako dun ah! Tsk. Bukas na pala! Hindi ko yun namalayan aah! Parang kanina kaka-March lang. Ang bilis ng panahon! Amp. Hindi nako High School. Nakakamiss. Wala nako sa kulungan! YES!! Kaso, welcome to the new world. ANG COLLEGE. Amp. Mas mahirap to. Ano nga ba kukunin kong course? Haaaaays. Wala pa ako pinipili. Amp. "Ralph.." nagulat ako dun aah! bigla bigla nalang magsasalita to! "Bakit?" "T-tu..tu..bigg.." ano daw? laging paputol putol yung mga salita niya ngayon. "Tubig daw sabi ni ate." ANO BA?! wag niyo nga akong gulatin! AMP! "nandyan ka pala?!" "kanina pa!" siya pa yung galit oh. kumuha nalang ako ng tubig para kay Tiff. "eto oh. dahan dahan lang.." inaalayan ko siya para hindi siya mahirapan. 


* KNOCK KNOCK! *


Lumapit si Tintin para buksan yung pintuan. "Hello! Kamusta!" "Oi. Kayo pala." kala ko kung sino. "May dala kaming prutas. Gusto niyo?" tumingin ako kay Tiff kung gusto niya, ayun. tulog na agad. "ang bilis naman niya makatulog!" "ssssshhhhhh!" etong dalawang to. kahit na hindi na sila, ang kulit kulit. sana maging sila nalang ulit. "nga pala, bukas na pala graduation natin!" "oo nga e. ang bilis no?" "kinakabahan ako." "kami din naman e." lahat kami kinakabahan para bukas. Ewan, parang iisa lang ang bituka namin e. pagkinabahan yung isa, kinakabahan na din ang sumunod. "pero, hindi ako kinakabahan para sa graduation.." lahat sila tumingin sakin. "parang may mangyayari na dapat hindi e. ewan ko kung ano yun." lahat kami natulala nalang. isa isa silang umuwi. Dumating din si Tita. "sige na iho, ako na. umuwi ka na. gabi na, bukas na graduation niyo. kailangan mo magpahinga." "sige po Tita." umalis din ako. 


And the day has come..